
Hello Living Faith Family!
Today, we begin our 5-Day Devotional Journey entitled:
“Welcoming the King”
Mga Aral mula sa Triumphal Entry ni Jesus
(Matthew 21:1-11)
This is a special time of reflection and prayer as we prepare our hearts to honor Jesus — just like the crowd welcomed Him during His Triumphal Entry.
Theme Verse:
“Hosanna to the Son of David! Blessed is he who comes in the name of the Lord! Hosanna in the highest heaven!”
— Matthew 21:9 (NIV)
DAY 1 — Jesus Knows Every Detail
(Matthew 21:1-3)
Reflection:
Maraming beses sa buhay, napapaisip tayo kung talaga bang nakikita ng Diyos ang pinagdadaanan natin — ang ating mga panalangin, pangangailangan, at pati mga pangarap.
Pero ang paalala sa araw na ito ay sobrang makapangyarihan:
Alam ni Jesus ang bawat detalye ng buhay mo!
Walang bagay na nakakalusot sa Kanyang atensyon.
Bago ka pa man makarating sa destinasyon mo, inihanda na Niya ang daan para sa’yo.
Kagaya noong inihanda ni Jesus ang donkey at colt para sa Kanyang pagpasok, ganon din Siya nagpe-prepare ng mga bagay para sa’yo.
Reflection Questions:
- Saang parte ng buhay ko ako nahihirapan magtiwala sa plano ng Diyos?
- May naalala ba akong pagkakataon na may inihanda si Lord na hindi ko inaasahan?
- Ano ang kailangan kong isuko sa Kanya ngayon?
- Ano ang natutunan ko ngayon tungkol sa Diyos na alam ang bawat detalye ng aking buhay?
Today I Surrender to God:
Isulat mo ang bagay na gusto mong ipagkatiwala at isuko kay Lord.
My Prayer Declaration:
“Lord, I trust You because You know every detail of my life.”
Closing Prayer:
Lord, alam Mo ang lahat tungkol sa akin.
Pinipili kong magtiwala sa plano Mo kahit hindi ko pa ito lubos na nauunawaan.
Today’s Reminder:
“Keep trusting… God is working in every detail of your life.”
See you tomorrow for Day 2 of our 5-Day Devotional Journey!
Walking with you in this journey of faith,
Pastor Reynante M. Trinidad
Living Faith Christian Church of Porac